August 1, 2026
1784681096888

Repetek File Photo

Ni Albert Villamor Jr.

Bilang gobernador at isa sa mga ulo ng Provincial School Board, hinihiling ni Rafael Ortega Jr. si Governor Amy R. Alvarez na bumili ng mga metal detector para sa mga high-risk na paaralan sa Palawan.

Nilalaman ang hiling na ito ng inaprubahang Resolution No. 0596-26 ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.

Ang mga bagong naitalang insidente ng karahasan sa paaralan sa Pilipinas ay nangangailangan daw ng mabilisang aksyon para maagapan o hindi mangyari sa Palawan.

Ayon sa Resolution No. 0596-26: recent reports and incidents of violence and threats within school premises nationwide underscore the urgent need for preventive measures, particularly in schools identified as high-risk.

Magiging “deterrent” o makakapigil ang mga metal detectors sa mga posibleng magiging karahasan sa mga paaralan sa Palawan.

Ayon pa sa Resolution No. 0596-26: [SP-Palawan] believes that the procurement and deployment of metal detectors in such schools will serve as a deterrent against the entry of dangerous weapons, thereby safeguarding the welfare of learners, teachers, and school personnel.

Sinusuportahan ang panawagan ng Republic Act No. 9155 (Governance of Basic Education Act of 2001) at Republic Act No. 7160 (Local Government Code of 1991).

Pero nais naman ni Board Member Juan Antonio Alvarez na magkaroon na lang ng metal detectors ang lahat ng paaralan sa Palawan, hindi lamang iyong mga “high-risk” sa naturang Resolution No. 0596-26.

Ayon naman kay Board Member Acosta, dapat ayusin ang mga bakod ng mga paaaralan dahil maari rin itong maging alternatibong daanan ng mga mapinsalang kagamitan sa mga paaralan.

Ayon naman kay Board Member Maria Angela Sabando, dapat daw ay mag-impeksyon na rin ang mga guro sa mga bag ng mga estudyante.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *