Photo Courtesy: Magsaysay MPS
Ni Samuel Macmac
Sa Lungsod ng Puerto Princesa naaresto ng mga tauhan ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaki na may kinakaharap na kasong Frustrated Homicide.
Nasakote sa Bgy. Tiniguiban ang wanted person nang makorner at isilbi ang warrant of arrest. Pinangunahan ng Magsaysay MPs ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Eric G. Dalisay nitong Hulyo 21. Inilabas ang nasabing warrant ng Regional Trial Court Branch 47, na may inirekomenda ang korte P24,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Bago isinagawa ang operasyon, nakumpirma ng mga pulis sa Office of the Clerk of Court na may umiiral at hindi pa naipatutupad na arrest warrant laban sa akusado.
Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Magsaysay MPS ang naarestong indibidwal para sa tamang dokumentasyon at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang paglilitis.
Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act.