Ni Clea G. Cahayag
Handang makipagtulungan ang Shopee Philippines sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa upang suportahan ang iba’t ibang programa na isasagawa ng lungsod.
Ayon kay City Mayor Lucilo Bayron, nag-courtesy call kamakailan si Atty. Choi Petrache, kinatawan ng Shopee Philippines, kung saan inihayag ng kumpanya ang hangarin nitong maging katuwang ang city government sa pagbibigay ng suporta sa mga aktibidad ng siyudad.
“Nag-courtesy call din ang Shopee Philippines. Nag-alok, tutulong daw sila. Sa ating events teams, tutulong daw sila sa mga events natin.
Gustung-gusto nilang tumulong. I-tap natin sila, inform lang natin. Bigyan natin ng schedule ng buong taon para mapondohan nila ang itutulong sa atin,” ang anunsyo ng Alkalde matapos ang flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes, Hulyo 27.
Ang Shopee Philippines ay isang e-commerce subsidiary ng Sea Limited, isang Singapore-based global tech conglomerate.