ACACIA TUNNEL, PAPAILAWAN NA
Photo Courtesy: Keyce Palawena
Ni Clea Faye Cahayag
Papailawan na ang Acacia Tunnel sa Barangay Inagawan, Lungsod ng Puerto Princesa., ayon kay City Mayor Lucilo R. Bayron.
Sa kamakailang pagharap ng alkalde sa flag ceremony ng mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Panlungsod noong Lunes, Hulyo 27, sinabi niya na gaganapin sa darating na Huwebes, Hulyo 30, sa ganao na alas singko ng hapon, ang ‘switch-on ceremony’.
Ayon kay Bayron, pinalitan na ng rope lights ang mga dating bumbilyang nakakabit sa mga puno ng Acacia.
“At sa gabi ng Thursday, isu-switch-on natin ‘yung additional Acacia tree lighting natin, ito ‘yung mga dati kasi mga bulbs ‘yung nakakabit ngayon mga rope lights ang ikinabit
Hopefully, maging maganda, hindi ko pa nakikita sabi ko sa Engineering [Department] bahala na kayo magkonsulta kayo sa Architecture [Office] kung paano natin mapaganda ‘yang pailaw na ‘yan,” pahayag ni Bayron.
Aniya, inaasahang magiging panibagong atraksyon ang naturang pagpapailaw para sa mga residente at mga bisita ng lungsod.
“Para madagdagan ‘yung pinupuntahan ng mga kababayan natin going South para ‘yung ibang papunta doon sa South magkaroon din ng opportunity na makapag-open up,” dagdag pa ni Bayron.