Sabando: ayusin ang cellsite, walang signal
Photo Courtesy: Mayor Sabando Fb Page
Ni Ven Marck Botin
‘Pakiayos’. Ito ang panawagan ni Municipal Mayor Pedy B. Sabando sa Smart Communications, Inc., na bigyang-pansin at ayusin ang cell tower ng banaggit na telecom company sa Barangay Magara, sa bayan ng Roxas, Palawan, dahil sa walang signal ito.
“[Mag-isang linggo na kayong walang signal. Hindi na po kayo naka(tu)tuwa], pahayag ng alkalde sa kaniyang Facebook account.
“[Kung hindi ninyo kayang serbisyuhan ang Brgy. Magara, mas mabuti(ng) lumayas na kayo para makapasok naman ang ibang Telco na willing magserbisyo sa aking mga Kabarangay,” sambit pa ni Sabando.