Produkto ng mga magsasaka, tampok sa Sunday Market
Photo:
Repetek News
Ni Clea G. Cahayag
Nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang mga sariwang produkto sa pamamagitan ng Sunday Market ng SM City Puerto Princesa.
Isinasagawa ito tuwing araw ng Linggo mula alas siyete ng umaga (7:00 AM) hanggang sa maubos ang mga paninda.
Ilan lamang sa mga produktong mabibili rito ang kalabasa, talong, sitaw, sili, pipino, ampalaya, pakwan, melon, mais, guyabano, saba, kamoteng bagin, kamatis, kalamansi, sibuyas, bawang at marami pang iba.
Ang SM Sunday Market ay isang joint initiative ng SM Supermalls, SM Cares at SM Foundation Inc., (SMFI), isa sa kanilang programa ang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK).
Maliban sa SM City Puerto Princesa, nagsasagawa rin ng Sunday Market sa SM City Pampanga, SM City Clark, SM City Legazpi, SM City Iloilo, SM City Cebu, at iba pa.
Sa datos mula sa SM Supermalls, simula 2020 umabot na sa 28,500 magsasaka mula sa iba’t ibang minisipalisad sa bansa ang natulungan ng SM Foundation.