Most wanted sa Palawan, timbog sa Taytay
Photo Courtesy: PNP
Ni Samuel Macmac
Matagumpay na naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang No. 1 Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO)4B sa nabanggit na bayan kaugnay ng mga kasong panggagahasa.
Sa bisa ng warrant of arrest, walang inirekomendang piyansa an korte para sa dalawang (2) kaso ng Qualified Rape, habang may itinakda naman na P240,000 na piyansa para sa dalawang (2) kaso ng Rape by Sexual Assault.
Ayon sa pulisya, nahuli ang most wanted person sa Brgy. Talog, Taytay, Palawan matapos ang ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detectection Group (CIDG) Palawan Provincial Field Unit (PFU) at Taytay Municipal Police Station (MPS) nitong Agosto 11.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Palawan PFU ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Samantala, bingyang-diin ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na patuloy ang kanilang determinasyon na hanapin at arestuhin ang mga indibidwal na may kinakaharap na mabibigat na kaso.
Ang operasyon ay bahagi ng pagpapatuad ng Focused Agenda ng PNP sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na layong palakasin ang koordinasyon at agarang aksyon sa mga kasong kriminal.