August 15, 2026
FB_IMG_1786754029187

Photo Courtesy: PALPPO

Ni Samuel Macmac

Arestado ang labimpitong (17) katao mula sa bayan ng Roxas, Palawan, at pitong (7) bangkang pangisda naman ang nakumpiska sa ikinasang seaborne patrol ng Taytay Municipal Station (MPS) sa bayan ng Taytay, kaparehong lalawigan.

Batay sa ulat ng Provincial Police Office (PalPPO), nahuli sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Biton, Taytay, Palawan angmga suspek na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga bangkang pangisda na nagkakahalaga ng tinatayang P460,000.

Ang seaborne patrol ay pinangunahan ng Taytay MPS sa pamumuno ni PMAJ Marvin L. Estigoy, katuwang ang Philippine Coast Guard Taytay Sub-Station, CIU-PAL PCG, PNP Maritime Group-2nd Special Operations Unit, Municipal Agriculture Office (MAO) ng Taytay, at Blue Alligiance.

Sa nasabing impormasyon ng mga awtoridad, naharang ang bangka habang nagsasagawa ng operasyon nang walang maipakitang kaukulang dokumento para sa pangingsida. Dahil dito, lumabag ang mga suspek sa Section 9.3 ng Municipal Ordinance No. 270, Series of 2017 o Revised Fisheries Code of Taytay.

Samantala, dinala ang mga naaresto sa Taytay MPS para sa dokumentasyon at posibleng pagharap sa kaukulang multa at parusa. Ililipat naman sa pangangalaga ng MAO ang mga nakumpiskang bangka para sa tamang disposisyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *