Pinalalakas na health care system sa Puerto Princesa
Repetek News
Mahigit tatlumpung libong (30,000) health services ang naipagkaloob ng pamahalaang panlungsod sa mga nasasakupang residente ng Lungsod ng Puerto Princesa noong nakalipas na buwan ng Hulyo, taong kasalukuyan, ayon sa ulat ng City Information Office.
Naihatid ang konsultasyong medikal, laboratory at imaging services, dental care, pamamahagi ng gamot sa mga kagat ng hayop, TB-DOTS services, HIV prevention, testing at treatment, at iba pa.
Ayon sa ulat, kabuuang 6,078 drug dispensing services ang naipagkaloob ng City Health Department Pharmacy Unit na kung saan ay malaking tulong ito sa mga pamilyang nangangailangan ng tuluy-tuloy na gamutan.
Umabot naman sa 4,470 ang naitalang outpatient consultations sa Medical Complex ng Lungsod ng Puerto Princesa. Mataas din ang naging bilang ng diagnostic services, kung saan umakyat sa kabuuang 5,713 laboratory examinations ang isinagawa.
Abangan ang iba pang ulat dito!