August 20, 2026
FB_IMG_1787147648283

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Mula sa reklamo ng pagbabanta laban sa magsasaka, himas-rehas ngayon sa Taytay Municipal Police Station (MPS) nang mahulihan ng mga bala ng .45 caliber, mga kutsilyo, at drug paraphernalia.

Agad na rumesponde ang Taytay Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ Marvin L. Estigoy matapos makatanggap ng reklamo hinggil sa banta. Sa tulong ng mga opisyales ng Brgy. Poblacion, natunton at naaresto ang 48-anyos na magsasaka.

Sa operasyon, nakumpiska ang limang bala ng caliber .45, digital weighing scle, laptop bag, dalawang kutsilyo, drug paraphernalia kabilang ang glass tooters, metal cap at talong lighter.

Isinumite sa Palawan Provincial Forensic Unit ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri. Samantala, nahaharap ang naarestong indibidwal sa kasong Grave Threats, Republic Act 9165 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa B.P Blg. 6 o Illegal Possession of Bladed Weapons.

Pinuri naman ni Police Colonel Joel D. Casupanan, Provincial Director ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) ang mabilis na aksyon ng Taytay MPS at koordinasyon ng barangay. Hinihikayat ang publiko na patuloy na iulat sa mga awtoridad ng mga banta at kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *