August 20, 2026
08 12 2026 PR - USTDA Announces the Inaugural Luzon Economic Corridor Investment Forum

Ni Vivz Reyes

Sa Lungsod ng Maynila gaganapin ang kauna-unahang Luzon Economic Corridor (LEC) Investment Forum mula Setyembre 10-11, taong kasalukuyan.

Ayon sa U.S. Trade and Development Agency (USTDA), kasama ng Pilipinas ang mga bansang Estados Unidos at Japan sa pag-host ng nasabing aktibidad.

Layunin nito na magtipun-tipon ang nasa 600 investord mula sa iba’t ibang bansa, mga lider sa industriya, project developers, at mga opisyal ng gobyerno, upang ipakita ang mga oportunidad para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Luzon Economic Corridor (na sumasaklaw sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas).

“America’s leadership in the Indo-Pacific is built on trusted partnerships and a shared commitment to secure, high-quality infrastructure,” ani Thomas R. Hardy, USTDA’s Deputy Director.

“The LEC Investment Forum brings together the United States, Japan, the Philippines and partner nations from across the world around one goal: turning priority projects into commercial reality, while advancing our collective vision for a free and open Indo-Pacific,’ aniya pa.

Ang kaganapan ay magkakaroon ng mga pangunahing talumpati, talakayan sa panel, presentasyon ng proyekto at mga pagkakataon sa pakikipag-ugnayan na nakatuon sa advanced manufacturing, digital connectivity, enerhiya, transportasyon, at logistics.

Isa sa mga highlight ng forum ang ukol sa napiling prayoridad na proyekto sa imprastruktura na nag-aanyaya ng mga mamumuhunan, mga ka-partner, at suporta sa pagbuo ng proyekto.

Ang koridor na ito ay itinuturing na pinakamalaking makina ng ekonomiya sa Pilipinas, dahil ito ang pinagmumulan ng humigit-kumulang 50% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Ang kaganapang ito ay isang malaking hakbang upang makahanap ng mga commercial partner at pondo para sa mga prayoridad na proyektong pang-imprastraktura sa bansa.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *