Programa vs population, development, palalakasin
Photo Courtesy: PIO Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na mas lalo pang pagtibayin ang polisiya at pag-aaral sa “population and development” sa Palawan.
Ang population and development ay pag-aaral sa mga populasyon at ang mga pagbabagong dala nito sa lipunan, kabilang ang mga problemang kaakibat nito.
Noong Agosto 6, nagkaroon ng Palawan Provincial Population and Development Committee (PPDC) Meeting 2026 sa White Breeze Hotel, Puerto Princesa City.
Ilan sa mga tinalakay sa pagpupulong ay ang mga nais na makamit ng mga programa sa population and development, kasama ang mga tulong-hanapbuhay sa mga batang ina. Pinag-usapan din ang mga aktibidad pang gagawin ngayong 2026 na naka-ankla sa programa, at ang mga impormasyon na makatutulong sa pagkakaroon ng isahang basehan sa pagpapatupad ng programa ng population and development.
Pinangunahan ng Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagpupulong, kasama ang mga municipal population officers, upang mas lalo pang mas maging mainam ang pagpapatupad ng mga naunang pagkakaunawaan sa mga programa sa population and development sa Palawan, kasama ang mga kinakaharap na pagsubok sa pagpapatupad nito.
Ayon kay Mark O. Guilles, Acting, Assistant Regional Director ng Commission on Population Development (CPD) MIMAROPA, mahalaga ang pagkakaroon ng maraming bilang na population officers o mga taong nagta-trabaho para sa population and development.
“We, the CPD, congratulate the Province of Palawan for having the largest number of plantilla Population Officers in the region. This reflects the province’s strong commitment to institutionalizing Population and Development programs and ensuring their sustainability at the local level,” ayon kay Guilles.