August 24, 2026
FB_IMG_1787544790530

Photo Courtesy:

Repetek News

Repetek News

Patuloy ang pag-iikot at inspeksyon ni Puerto Princesa Mayor Lucilo R. Bayron sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlungsod upang personal na masiyasat ang maayos na daloy ng trabaho at kalidad ng proyekto.

Nitong nakalipas na Biyernes, Agosto 21, inikot ng alkalde ang ilang infrastructure projects kasama ang ilang kawani’t opisyal ng Office of the City Architect.

Sa Facebook page ng alkalde, ibinahagi roon na inalam ni Bayron ang kalagayan ng bawat proyekto.

Ayon sa Office of the City Architect, inaasahang matatapos ngayong taon ang konstruksyon ng Irawan Public Market; Irawan Standard Day Care; Tiniguiban Standard Day Care Center; 3-storey, 9-classroom School Building saTiniguiban Elementary School; 3-storey, 9-classroom School Building sa MAMES; San Jose Public Market; City Coliseum Freedom Park; at Baywalk Public Market.

“[N]agbigay ng direktiba si (..) Bayron na dapat kasama na sa standard ang paglalagay ng solar power system sa mga susunod na school building (..) upang masiguro ang tuluy-tuloy na pag-aaral ng mga estudyante at alinsunod na rin sa direksyon ng lungsod tungo sa renewable energy,” nilalaman ng Facebook post ng alkalde.

Ayon pa sa update, hiniling din ng alkalde na siguraduhin ang kalinisan at kaayusan sa mga pamilihang-bayan kapag nagsimula na ang operasyon nito.

“Paalala rin ni (…) Bayron na tiyaking may accessibility features para sa ikagiginhawa ng mga mamimili tulad ng pagdaragdag ng ramp,” ayon sa ulat.

Binigyang-diin ng alkalde na sikaping maayos at tuluy-tuloy ang trabaho sa mga proyekto upang ito’y agad na mapakinabangan ng mga mamamayan ng Puerto Princesa.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *