September 1, 2026
FB_IMG_1788183992332

Ni Samuel Macmac

Naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Culion at Busuanga, Palawan, ang tatlong indibidwal kabilang ang isang drug suspect at dalawang most wanted persons na may kasong cattle rustling.

Sa Culion, nahuli ng mga tauhan ng Culion Municipal Police Station (MPS) ang isang 67-taong gulang na suspek matapos makapagbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer.

Isinagawa ang body frisk, kung saan nakumpiska ng pulisya ang isa pang sachet. Sa kabuuan, nakumpiska ang 1.23 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P8,364.00. Dahil dito, inihahanda na laban sa suspek ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, naaresto sa bayan ng Busuanga ang dalawang magsasaka na kabilang sa Most Wanted Persons edad 58 at 64. Sa Brgy. Sto. NiƱo nahuli ang dalawang indibidwal sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 163 sa Coron kaugnay ng kasong paglabag sa Presidential Decree Mo. 533 o Anti-Cattle Rustling Law of 1974.

May inirekomendang piyansa ang korte na P108,000 bawat isa.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *