September 2, 2026
FB_IMG_1788270680398

Photo Courtesy: Repetek

Ni Clea G. Cahayag

Opisyal na tinanggap ng Palawan Group of Companies (PGC) ngayong araw ng Lunes, Agosto 31, ang mga bagong scholar para sa School Year 2026-2027.

Ayon kay PGC Deputy Chairman and Co-Founder Angelita M. Castro, mula sa 1,200 estudyanteng nag-aplay, 160 ang kwalipikado para sa scholarship program.

“Today is a very special day for us because just this morning, we once again welcome a new batch of young Filipinos into the Palawan Group of Companies Scholarship Program,” ani Gng. Castro sa kanyang pambungad na mensahe.

Aniya, personal niyang sinala ang bawat aplikasyon dahil nais nilang mapili hindi lamang ang “deserving” kundi ang mga estudyanteng tunay na nangangailangan ng tulong upang makapagtapos ng pag-aaral.

“For me, I take it personally because I see to it, I really try to get the best—the most deserving hindi lang ‘yung magagaling pero financially..kung hindi tutulong ang mga individual at organization hindi makakaaral. Nandoon ‘yung dream pero nandoon ‘yung balakid ng poverty,” saad nito.

Samantala, sinabi ni PGC Chairman and Founder Bobby L. Castro, na hindi lamang academic performance ang basehan sa pagpili ng scholars.

Tinitingnan din ng programa ang scholastic record ng aplikante gayundin ang kalagayang pinansyal ng kanilang pamilya.

Nilinaw niya hindi kwalipikado sa programa ang mga kamag-anak ng kanilang pamilya o ng mga empleyado ng kumpanya.

“Pang-29 year na natin, ang sinasabi ko, ang pinipili naming scholar ay hindi namin kamag-anak, ‘di kamag-anak ng mga empleyado. Actually, hindi namin kilala—[pero] mga karapat-dapat, mga deserving students galing sa iba’t ibang part ng Palawan na may ambisyon at gustong mapabuti ang kanilang katayuan sa buhay,” aniya.

Nag-iwan naman ng mensahe si Chief Human Resources Officer Korina Castro-Fernando sa mga bagong scholars na dapat nilang ingatan ang tiwala at pahalagahan ang oportunidad na ibinibigay sa kanilang upang makamit ang kanilang pangarap.

“Nagtitiwala tayo sa mga 160 confirmed freshmen scholars at pangalawa alagaan ang tiwalang ‘yun. Ibigay ang lahat at seryosohin dahil kung anumang gabay ang kakailanganin nila ay pupunan ‘yun ng Palawan pero ingatan ang tiwala para tuluy tuloy ang pagkamit sa kanilang mga pangarap na makapagtapos,” saad nito.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 900 scholars ang nakapagtapos ng kolehiyo sa ilalim ng programa na sinimulan noong 1998.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *