September 12, 2026
FB_IMG_1789178695597

Ni Albert Villamor Jr.

Nakatanggap ang mga solo parents at ang mga barangay sa San Vicente, Palawan, ng tulong-pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, Setyembre 10.

Kabuuang 81 na solo parents ng ₱20,000 kada isa, samantalang ang mga barangay naman ay nakatanggap ng ₱200,000 bawat barangay.

Ang ₱20,000 ay tulong pangkabuhayan na pinangunahan ng Livelihood Project Management Unit at ng Provincial Gender and Development Office, samantalang ang ₱200,000 naman ay tulong sa pagpapatupad ng makabuluhang proyekto ng mga barangay sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Pinangunahan ni Gob. Amy Alvarez ang pamamahagi ng tulong kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *