September 23, 2026

‘Route plan ng Palawan, malapit nang matapos’

0
1790153754578

Ni Albert Villamor Jr.

Kinumpirma ni Board Member Al-Nashier M. Ibba na malapit nang matapos ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng Palawan, Setyembre 22.

Ang LPTRP ay mahalaga dahil nagsisilbi itong batayan para sa maayos na daloy at proseso ng transportasyon sa Palawan, sa ilalim ng Public Transport Modernization Program.

Ito ay matapos tanungin ni Board Member Maria Angela Sabando ang kalagayan ng Route Plan ng Palawan, kung tapos na ito, sa kalagitnaan ng talakayan sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan (SP-Palawan) sa mga isyu na kinakaharap ng sektor ng transportasyon sa Palawan.

“Good as approved” na raw ang ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng Palawan, at inaantay na lang ng SP-Palawan na bigyan sila ng kopya nito ng Provincial Planning and Development Office (PPDO).

“Sa pagkakaalam ko, gusto ko mag-comment doon sa tanong ni Board Member Sabando, ang pagkakaalam ko malapit na, according doon sa director ng LPTRP na si RD [Regional Director] Bautista [Enrico Moreno Robel “Erik” Bautista]. Siguro, mga two weeks ago, last month, ay nabanggit niya good as approved na iyon iyong Route Plan natin na proposal natin, so hinihintay na lang natin iyong copy at maibigay ng Provincial Planning dito sa atin,” ayon kay Ibba.

Matatandaan na humiling ang Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ng isang rebyu o update sa LTFRB ng Palawan, sa Department of Transportation (DoTR) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dahil sa ‘bus-only routes’ at UV Express na probisyon ng nirebisang LPTRP at iba pang may kaugnayang isyu na makaapekto sa kabuhayan ng iba pang tsuper na pinagkakakitaan ang iba pang uri ng transportasyon sa Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *