September 24, 2026
FB_IMG_1790202995361

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Babala: Maselan ang paksa at larawan. Maging disente sa pagkomento.

Lalaki mula sa lalawigan ng Agusan del Sur ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng boarding house sa Barangay Bintuan, nabanggit na bayan, nitong umaga ng Setyembre 21 bandang alas-9:00 ng umaga.

Batay sa ulat ng Coron Municipal Police Station (MPS) kinilala ang biktima sa alyas na “Ramon”, 47-taong gulang, residente ng Agusan del Sur. Sa isinagawang imbestigasyon, isang saksi ang nagtungo sa silid ni Ramon bandang alas-7:00 ng umaga upang anyayahan itong magkape. Ngunit sa pagbukas ng pinto, tumambad sa kanya ang biktima na nakahandusay at walang malay.

Ang nakasaksi sa insidente, agad na humingi ng tulong sa Barangay Health Worker (BHW) na nakasaksi ring hindi na tumutugon ang biktima. Ipinaalam naman sa barangay ang pangyayari at kalaunan ay naiulat sa Coron MPS, kung saan natagpuan nila ang katawan ni Ramon na nakahiga nang nakadapa sa sahig sa kanyang silid.

Samantala, isinailalim sa imbestigasyon ang lugar at inatasan ng pulisya ang pagsasagawa ng post-mortem examination upang matukoy ang sanhi at paraan ng pagkamatay ng biktima.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *