September 25, 2026
FB_IMG_1790336240104

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Arestado ang lalaking residente ng Barangay Iwahig, Bataraza, Palawan, nang siya’y magpaputok ng baril nang walang dahilan at makumpiskahan ng .38 revolver na walang kaukulang dokumento.

Batay sa ulat ng Bataraza Municipal Police Station (MPS), nauwi sa pagkakaaresto ang insidente ng pamamaril ng isang lasing na lalaki na kinilala sa alyas na “Nonoy”, 40-taong gulang, kung saan matagal nang lasing mula pa mga nakaraang araw.

Bandang alas-9:30 ng umaga nitong Setyembre 23, habang nasa labas ng bahay ang kanyang live-in partner, bigla nitong narinig ang putok ng baril mula sa loob ng kanilang tirahan.

Kasabay nito, nakarinig din ng putok ang tanod ng barangay na agad na iniulat sa kanilang Kapitan.

Sa beripikasyon ng PNP, nabigo ang suspek na magpakita ng anumang lisensya o permit para sa naturang armas. Dahil dito, isinagawa ang inventory at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng insidente, na dinaluhan ng mga opisyales ng barangay bilang mga saksi.

Kasalukuyang inihahanda ang kasong kriminal laban sa kanya para sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *