September 25, 2026
FB_IMG_1790338276527

Ni Albert Villamor Jr.

Hinihiling ni Board Member Rafael Ortega Jr. kay Gobernadora Amy R. Alvarez sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office (PEO), na iprayoridad ang isang ‘hanging bridge’ na nagkokonekta sa Barangay Tagpait at Barangay Poblacion sa Aborlan, Palawan, para sa ligtas at convenient na akses sa gumagamit nito.

“Since time immemorial po, panahon pa po ng Hapon, panahon pa po ng Amerikano, mayroon na po iyan diyang tulay,” ayon kay Ortega.

“Ngunit sa paglipas po ng panahon, dahil nagkaroon na po ng kalsada going to the national highway, ay napabayaan na po iyan, ngunit sa ngayon po na dumadami ang residente ng Barangay Tagpait na malapit po sila, isang ilog lang ang pagitan nila [r]oon na sila sa Barangay Poblacion, ay nais ko pong hilingin na muli itong buhayin at maisagawa nang sa gan`un ay iyon pong danger na nangyayari sa mga kabataan natin na nag-aaral sa [Bgy.] Poblacion ay tumatawid pa ho para po maiwasan na ang nasabing mga hindi natin inaasahang sakuna,” ani ni Ortega.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *