September 28, 2026
FB_IMG_1790577287456

Photo Courtesy: Repetek

Ni Clea G. Cahayag

Sa pamamagitan ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) Program, patuloy na pinalalawak ng Department of Agrarian Reform (DAR) Palawan ang mga oportunidad sa merkado para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Kamakailan, nakipagpulong ang DAR Palawan sa Provincial Government ng Palawan upang pag-usapan at balangkasin ang isang Memorandum of Agreement o MOA para sa implementasyon ng PAHP sa mga provincial hospitals sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Public Information Officer (PIO) Joshua Belo ng DAR Palawan, inaasahang magiging epektibo ang naturang MOA sa susunod na taon bilang paghahanda sa mga programa ng PAHP.

“That MOA will be taking effect probably next year na po para in preparation po for the next year programs po,” ani Belo.

Layunin ng programa na maiugnay ang mga produkto ng Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) sa mga provincial hospital bilang mga institutional market upang mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na prodyuser at kooperatiba na magkaroon ng mas organisado at mas matatag na pamilihan para sa kanilang mga produktong agrikultural.

Binigyang-diin ang importansya ng institutional market linkage upang magkaroon ng tiyak na pamilihan ang mga produkto ng mga ARBs partikular sa mga institusyong may regular at pangmatagalang pangangailangan ng pagkain.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *