October 1, 2026
FB_IMG_1790774269490

Ni Samuel Macmac

Himas-rehas ngayon ang ikaanim na pinaka-wanted sa rehiyong MIMAROPA nang maaresto ng mga tauhan ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) nitong Setyembre 29.

Sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan, naahuli ang 29-anyos na suspek, na construction worker, mula Brgy. Panitian, Quezon, kung saan may kasong kinakaharap na murder.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Quezon Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PCPT Pelirico N. Calingao, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU), PIT-Palawan, RIU 4B, at 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC), 401st MC-RMFB 4B, at 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG).

Batay sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Panfilo Intud Sala Jr. ng Regional Trial Court (RTC), Branch 165, Brooke’s Point, Palawan nong Agosto 17, 2026. Walang inirekomendang piyansa para sa kasong kinakaharap ng akusado.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon MPS ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *