October 1, 2026
FB_IMG_1790773535863

Ni Samuel Macmac

Naaresto ng Linapacan Municipal Police (MPS) ang 31-anyos na High-Value Individual (HVI) sa Linapacan, Palawan, matapos makumpiska sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang tinatayang P27, 064 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Joey Boy D. Peña ng Linapacan MPS, matagumpay na naaresto ang HVI na kinilala sa alyas na “Emil” sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation nitong Setyembre 27.

Sa Brgy. San Miguel, Linapacan, nahuli ang nasabing drug suspect matapos bumili sa kanya ang isang poseur-buyer ng sachet ng shabu kapalit ng P2,000 marked money.
Matapos ang transaksyon, agad na dinakip ang suspek. Nakumpiska rin sa kanya ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang 3.98 gramo. Isang (1) tunay na P1,000 bill at isang boodle bill na ginamit sa operasyon.

Isusumite sa Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsusuri. Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Linapacan MPS ang suspek habang inihahanda ang kaso sa ilalim ng Section 5 at Section 11 ng Artcile II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *