October 1, 2026

City DepEd, pinabulaanan na walang Police visibility sa mga paaralan

0
FB_IMG_1790829598330

Ni Albert Villamor Jr.

May pagbabanta o wala, may mga pulis.

Ayon kay Laida M. Lagar-Mascareñas, Schools Division Superintendent, Department of Education-Puerto Princesa City, hindi totoo na nawawala ang mga kapulisan kapag walang pagbabanta sa mga paaralan.

“Definitely hindi naman totoo na kung kailan lang may mga ganoong threat ay [r]oon sila makikita. Kahit ordinaryong araw, may threat o wala, nandiyan ang mga kapulisan natin. Kapag may ganyang threat, nadadagdagan pero hindi nawawala [ang kapulisan],” pagkaklaro ni Mascareñas.

Pagdating sa pagbabanta sa seguridad o threat, dapat magtulungan upang masugpo ito.

“Ang mga magulang natin, kumbaga, hindi natin maalis na sila ay mayroong takot. Kami rin naman syempre natatakot din naman kami kasi hindi naman natin alam kung sino at saan manggagaling iyong mga nagbibigay ng threat na iyan lalong lalo na, hindi magpapakilala iyan,” ani ni Mascareñas.

“Hinala sa social media, sa mga messages, na hindi natin nakikilala iyong totoo talagang personalidad na nasa likod ng bawat message na’to, kasi mga fake account iyong sinasabi na na-discover ng mga nag-i-investigate,” dagdag pa niya.

Maging ang mga kaguruan daw ay natatakot din, pero patuloy pa rin nilang sinisigurado na ligtas ang mga paaralan, sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulan sa paglaban sa mga naturang pagbabanta o threat.

“Sana ang mga magulang ay mabawasan na iyong takot din. Bagkos ay magtulong-tulong tayo na ito ay maiwasan at kung mayroon man ay masawata, mabawasan,” ani ni Mascareñas.

“Subalit ang panawagan natin ay magtulungan tayo upang ang mga tao sa likod ng mga pananakot na ito ay talagang mawala, ang ganitong takbo ng kanilang pag-iisip at gawain,” dagdag pa niya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *