October 11, 2026

Mababa ang chance na maabot ang Pilipinas; Russia, walang Pneumonic Plague

0
FB_IMG_1791720850282

Photo Courtesy: Blue News

Ni Albert Villamor Jr., LPT

Walang ‘pneumonic plague’ sa Russia, lalo pa’t walang inilalabas na pahayag ang pamahalaan ng Russia pagdating sa mga bali-balitang may kaso ng pneumonic plague sa kanila. Binabubulaanan nito ang mga pangamba at konklusyon na may nagbabantang sakit na maaring kumalat sa sangkatauhan.

Ang pangamba ng posibleng pneumonic plague ay pumutok matapos ang pagkasawi ni Darya Shipilova, isang technician na nagtatrabaho sa Irkutsk Research Anti-Plague Institute in Shelekhov, ngayong Oktubre lamang.

Ang biglaang pagkasawi ni Shipilova ay sanhi ng isang aksidente habang siya ay nagtatrabaho. Ayon sa mga nauna nang ulat ng lokal midya sa Russia at social media, nabasag diumano ni Shipilova ang isang test tube na mayroong ‘Yersinia pestis’.

Delikado ang Yersinia pestis. Ito ay maaring magdulot ng isang plague o salot sa lipunan kung hindi maagapan ang pagkalat. Ito kasi ang naging dahilan ng iilang pandemya sa mundo noon, kagaya ng Black Death noong ika-14 na siglo. Nakukuha ito sa mga hayop katulad ng mga rodents o malalaking daga, na naipapasa sa mga tao na nagiging dahilan ng sakit na maaring maging kamatayan.

Ayon naman sa Rospotrebnadzor, isang consumer health watchdog, ikinamatay raw ni Shipilova ang isang “pneumonia of an unknown origin” o pneumonia na hindi alam ang pinanggalingan. Ang mga isinagawa namang pagsusuri kay Shipilova ay walang napag-alamang pathogens na maaring konektado sa isang salot na maari niyang nakuha sa trabaho o lab work.

Dahil sa biglaang pagkasawi ni Shipilova, isinara ang ilang ospital at nagkaroon ng quarantine ang halos 200 na close contacts ni Shipilova hanggang Oktubre 8. Nagnegatibo naman silang lahat, ayon sa Rospotrebnadzor.

Sa Pilipinas naman, kinumpirma ng isang health expert na hindi mataas ang posibilidad na kakalat ang pandemic plague sa Pilipinas, ayon sa report ng Philippine Star.

“If I’m going to look at it this way, mukhang zero possibility na may mapupunta [r]ito sa Pilipinas kung galing man doon ang infection. Sa tingin ko mukhang wala talaga,” ayon sa panayam ng Super Radyo dzBB kay Rontgene Solante, isang health expert.

Nagagamot naman ang sakit.

“This is something also that’s treatable. Mukhang malabo in terms of international spread,” sabi rin niya.

Ang mga senyales ng pneumonic plague ay mataas na lagnat at panginginig; matinding sakit ng ulo; panghihina o kawalan ng lakas; pag-ubo na malinaw, madugo, o malapot na plema; hirap sa paghinga o mabilis na paghing; at sakit sa dibdib.

Umaantabay rin ang World Health Organizations sa sitwasyon at ibang gobyerno ng mundo kagaya ng United States of America.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *