October 16, 2026
FB_IMG_1792121023356

Ni Albert Villamor Jr.

Kabuang 199 na bagong pares ng salamin ang ibinigay sa mga magniniyog ng Aborlan, Palawan, sa ilalim ng Mobile Health Services (MHS) ng Philippine Coconut Authority (PCA), Oktubre 12.

“Dahil mga ka-niyog, mas mahalagang maalagaan ang kalusugan upang patuloy na makapaghanapbuhay, makapag-alaga ng mga niyugan, at masuportahan ang pamilya,” ayon sa PCA-Palawan.

“Patuloy na isinusulong ng PCA ang kapakanan ng mga magniniyog—hindi lamang sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan at pang-agrikultura, kundi pati na rin sa mga serbisyong pangkalusugan para sa kanila at sa kanilang mga pamilya,” pahayag pa rin ng PCA-Palawan.

Tumulong at nakiisa rin sina Municipal Mayor Lito O. Tito at Municipal Agriculturist Engr. Erwin I. Yadao sa tagumpay ng pamimigay.

Ito ay pagsuporta sa kalusugan ng mga magniniyog at sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *