November 5, 2026
FB_IMG_1793803484513

Repetek News

Pito pang scholarship grantees ng Pamahalaang Panlalawigan ang pumasa sa kanilang larangan: ang pagiging certified pharmacist.

Pumasa sa October 2026 Pharmacist Licensure Examination sina Allyssa Aborot, Josiah Bernabe, Cassandra Cayao, Dexter Eclarino, Edrick Brylle Eleazar, Jana Nueva, at Zarina Mae Tamondong.

Pasok naman sa Top 10 successful examinees si Ginoong Dexter Eclarino nang makakuha ng 94.88 porsiyentong general average.

Ayon sa kapitolyo, inaasahang maglilingkod ang mga bagong lisensyadong iskolar ng bayan sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang bayan ng Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *