November 5, 2026
FB_IMG_1793830570385

Repetek News

Tahasang inihayag sa local media ni dating Palawan Governor at ngayo’y Second District Cogressman Jose Ch. Alvarez na wala siyang kinalaman sa anumang construction projects sa Palawan ng kompanya ng pamilya Discaya.

“Bakit ako makinabang?,” sambulat ni Alvarez sa panayam ng mga mamamahayag sa Palawan.

Diin pa niya, “Bibigyan ako ng pera? ‘Di ko kailangan”.

Kuwento pa ng Kongresista, nang siya’y gobernador pa ng lalawigan wala umano siyang ini-reimburse na gastos mula sa kaban ng bayan.

“Nu’ng Governor ako, ako ‘yung gumagastos ng fuel ko, pagkain ko. Wala akong nire-reimburse na gastos; t’saka mga eroplano ko, ‘yung gasolina, lahat ng sasakyan ko–mga kompanya ko ang nagsu-subsidize sa akin,” aniya pa.

“Walang gastos ang probinsya sa akin,” ani Alvarez.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *