Kalui restaurant, ibinabandera ang turismo at produkto ng Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
“KALUI PRESENTS: VISIT PALAWAN SERIES”. Ito ang matatagpuan ngayon sa Kalui Restaurant kung saan mararanasan ng mga bibisita ang turismo at produkto ng Palawan.
Bilang panimula, ibinabandera ngayon sa Kalui Restaurant ang pagkakakilanlan ng ‘Brooke’s Point’ lalo na sa local arts, products, tourist destinations, at accommodations, hanggang Disyembre 18.
Sa mga susunod na buwan, ibang munisipyo na naman ang ibibida, sa tulong ng mga local government units nila.
Noong Nob. 10, opisyal nang nagsimula ang “KALUI PRESENTS: VISIT PALAWAN SERIES” sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting.
Nasa seremonya sina Board Member Ryan Maminta, Board Member Ariston D. Arzaga, Palawan Tourism Council President Rex Rafols, kasama ang iba pang prominenteng personalidad.
Ayon sa mensahe ni Gerald N. Caabay ng Brooke’s Point: “So ngayon po dinala po natin dito para po mas makilala po ninyo ang amin pong mga produkto or products po na galing sa bayan ng Brooke’s Point. So sa pamamagitan po nito, makikita po ninyo iyong amin pong mga tourism destinations, accommodations, mga gawa po ng mga artists po namin sa bayan ng Brooke’s Point; paintings, then iyong mga crafts po natin.”
Matatagpuan ang Kalui Restaurant sa 369 Rizal Avenue, Barangay San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan, Philippines.
Ayon sa isa sa mga staff ng Kalui restaurant, ang disenyo ng restaurant ay Pilipinong-Pilipino.
Ang Facebook Page ng naturang restaurant ay ‘Kalui Restaurant’.