Midwives mula PalawanSU
Repetek News
Anim na karagdagang bagong Registered Midwives mula sa Palawan State University-Puerto Princesa Campus ang naitala sa November 2026 Midwives Licensure Examination.
Isa si Ms. Evi Rose Lagrosa Dela Cruz sa dalawang nag-tie sa top 5 spot nang makakuha ng 92.25 percent general rating.
Batay sa tala, kabuuang 51.03 percent ang national passing rate ng PalawanSU habang 66.67 percent naman ang first-time takers passing rate ng pamantasan.