August 22, 2026

Lalaking nahulog habang nangunguha ng Balinsasayaw nest sa El Nido, patay

Lalaking nahulog habang nangunguha ng Balinsasayaw nest sa El Nido, patay

Photo Courtesy | BFP EL NIDO

Ni Marie Fulgarinas

Puerto Princesa City — Wala nang buhay ang isang lalaki ng marekober ng mga awtoridad sa Tapiutan Cliff sa Barangay Bebeladan, nabanggit na bayan, matapos mahulog sa taas na 15 metrong lalim ng nasabing kuweba.

Sa ulat ng Bureau of Fire and Protection (BFP) El Nido Station, ang biktima ay nangunguha ng pugad ng balinsasayaw sa lugar nang mauwi ito sa malubhang trahedya. Dagdag pa ng ahensya, naitawag sa kanilang ang insidente nitong gabi ng Hunyo 4.

Narekober ang katawan ng 57-anyos na lalaki pasado alas-tres (3:00 pm) nang hapon nitong Hunyo 5 na agaran namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan na idineklara namang ‘Dead on Arrival’.

Author