‘Pag-aralan ang mataas na presyo ng bahay-tuluyan, pamasahe at eroplano sa Palawan’
Ni Albert Villamor Jr.
Dapat pag-aralan ng mga nasa “tourist industry” o “practitioner” ang mataas na presyo ng mga accommodation at pamasahe sa eroplano sa Palawan, ayon kay Board Member Ariston Arzaga.
Aniya, mas pinipili sa ngayon ang Thailand o Vietnam bilang tourism destinations. Dapat handa ang Palawan sa turismo; hindi lang sa venue.
“Dapat nagtutulungan lalo na [r]oon sa singilan,” sabi niya.
“Sabi nga, e, mas maraming pumupunta, mas marami pa rin iyong kita kaysa pailan-ilan lang. Nakakatulong tayo na mapalaganap iyong kagandahan ng lalawigan ng Palawan,” ayon din sa kanya.
Pinupuri at sumasang-ayon din siya sa programa sa turismo ni Gobernadora Amy Alvarez, kabilang ang mga promotions na ginagawa ng pribadong sektor.
“Libre na iyong promotion natin. Alam niyo ba kung bakit? Iyong best island mo, promotion na kaagad iyan e. Iyong Palawan Pawnshop, araw-araw nakikita mo diyan sa ads iyong Palawan Express, iyong Palawan Padala. Ang laki ng tulong nu’n e,” ayon sa kanya.