ScholarDiscovery: PSU, WPU, HTU, kabilang sa Top-5 na unibersidad sa MIMAROPA
Photo Courtesy: ScholarDiscovery
Ni Albert Villamor Jr.
Matapos i-compile ang mga nakalap na impormasyon mula sa EduRank 2026, naglabas ang ScholarDicsovery ng ranking ng mga matataas at mahuhusay na unibersidad sa rehiyon ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA), nitong nakalipas na Huwebes, Agosto 20.
Pinagbatayan ng ranking ang research performance, non-academic prominence, and alumni influence ng mga nasabing unibersidad.
Sa buong MIMAROPA sa Palawan, nangunga sa ranking ang Palawan State University, pinangalawahan ito ng Western Philippines University; samantalang nakamit naman ng Holy Trinity University ang ikalimang puwesto.
Sa ibang lugar sa MIMAROPA, pumangatlo ang Romblon State University, at pumang-apat ang Marinduque State University, sa naturang ranking.
Pero ayon din sa ScholarDiscovery, hindi sinusukat ng ranking ang kalidad ng bawat programa ng bawat paaralan at ang mga karanasan ng mga mag-aaral nito.
Ang ScholarDiscovery ay isang tumutulong sa mga Pilipino na makahanap ng iskolarsyip, fellowship, at oportunidad na makapag-aral sa ibang bansa. Nagbibigay rin sila ng impormasyon sa mga academic grants, entrance exams, at university rankings.
Bahagi ang university-ranking ng “regional order” ng ScholarDiscovery.