Sekyu, inaresto
Kabuuang 600 bala kabilang ang mahigit 300 basyo nito ang narekober sa security gueard na suspek sa bayan ng San Vicente, Palawan.
Walang-kawala ang 51-anyos na security guard nang dakipin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan Provincial Field Unit (PFU) at San Vicente Municipal Police Station (MPS) nitong Oktubre 8.
Sa bisa ng search warrant, narekober sa suspek ang kabuang 600 bala ng mga baril.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Nardz”, na naaresto sa Barangay Poblacion, bayan ng San Vicente, Palawan. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa ulat ng kapulisan, nakumpiska sa kaniyang pangangalaga ang isang magazine assembly para sa caliber .45, at dalawampung (20) aktuwal na bala na maaari pang gamitin ng mga sumusunod na baril: caliber 5.56, caliber .45, 9mm, at tatlong pistol ng holsters. Kabilang din sa narekober ang 301 basyo ng bala ng caliber .45, 295 basyo ng bala ng 9mm, at isang orange pouch.
Umabot sa mahigit 600 basyo ng bala ang narekober, kung saan indikasyon na possibleng paggamit o pag-iimbak ng mga bala na labag sa batas.

Samantala, ang pagkakaaresto kay “Nardz” ay alinsunod sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na armas at bala at batay rin sa kautusan na inilabas ni Executive Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng Regional Trial Court (RTC) Branch 164, Roxas, Palawan.
via Samuel Macmac