Walang putol kuryente hanggang Nobyembre
Photo Courtesy:
Repetek News
Repetek News
Huwag hayaang maipon ang bayarin kahit walang putol koneksiyon. Ito ang binigyang-diin ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa lahat ng mga konsumidores sa kabila ng pansamantalang pagsuspinde ng disconnection services sa Lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa Kooperatiba, hindi nangangahulugan na pinatawad o kinansela na ang mga obligasyong bayarin mula sa mga nakonsumong kuryente kahit ipinag-utos kamakailan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pansamantalang hindi pagputol ng serbisyo sa mga consumer na may hindi pa nababayarang electric bills mula Mayo hanggang Oktubre 2026.