Photo:
Repetek News
Ni Joana Pacquing
Iniulat ng City Information Office ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na kabuuang ₱38,485,533.39 ang halaga ng konstruksyon ng tatlong palapag na school building sa Valentin Macasaet Memorial Elementary School.
Ayon sa lokal na ahensiya, mayroon itong siyam na makabagong silid-aralan na komportableng magagamit ng mga estudyante sa oras ng klase.