October 2, 2026

MINI CITY HALL SA MACARASCAS, MAGAGAMIT NG NORTHWEST BARANGAYS

1783586762514

Photo courtesy: City Information Office of Puerto Princesa

Ni Joana Pacquing

Aabot sa mahigit 29 milyong piso ang inilaang pondo ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa para sa konstruksyon ng Mini City Hall sa Macarascas Rural Service Center (RSC), ayon sa ulat ng City Information Office.

Isinapubliko ng lokal na ahensiya na kabuuang ₱29,271,027.18 ang halaga ng proyekto na layuning mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng northwest barangays upang hindi na kailanganing magtungo pa sa City Hall para sa iba’t ibang transaksiyon.

Author