August 10, 2026
FB_IMG_1786268972774

Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act. | Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Naaresto ang tatlong indbidwal sa magkakahiwalay na manhunt operations na ikinasa ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) sa loob ng 4-oras sa Brooke’s Point at Balabac nitong Agosto 6.

Unang nahuli ng mga tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) ang isang 61-anyos na magsasaka na may kasong paglabag sa Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law. Ikinasa ang operasyon sa tulong ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG).

Samantala, naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Balabac MPS ang dalawang mangingisda. Ang isang wanted ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, habang nadakip naman ang isang indibidwal dahil sa hindi pagdalo sa korte kaugnay ng paglabag sa Provincial Ordinance No. 819, na binago ng Ordinance No. 1643.

Isinagawa ang pag-aresto sa tatlong wanted persons sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Circuit Trial Court ng Brooke’s Point-Espanola. Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ang mga suspek para sa tamang disposisyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *