November 18, 2026
FB_IMG_1795009362236

Photo Courtesy: Kgd. Jerald Gales

Ni Rodolfo Idusora

Arestado ang lalaking tangkang magpuslit ng sampung (10) karton ng hinihinalang ilegal na sigarilyong New Berlin sa Rampano Road, Purok Sampalok, Barangay Sicsican, Lungso Puerto Princesa, nitong madaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 18.

Ikinasa ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Police Station 2 ang buy-bust operation na kung daan ay matagumpay na aresto ang suspek at pagkakumpiska ng mga kontrabando.

Kinumpirma mismo ng suspek na nagmula pa sa bayan ng Narra, Palawan, ang mga sigarilyong New Berlin na dala niya at balak sanang ibenta sa Puerto Princesa City.

Hindi umano nito inaasahan na ang kaniyang mga katransaksyon ay mga pulis na pala na nagsagawa ng operasyon upang mahuli siya.

Nasa kustodiya na ng Police Station 2 ang suspek habang inihahanda ang kaukulang dokumentasyon at mga kasong isasampa laban sa kaniya kaugnay ng pagkakasamsam sa mga ipinagbabawal na sigarilyo.

Patuloy namang aalamin ng mga awtoridad kung saan nagmula ang mga produkto at kung mayroon pang ibang sangkot sa umano’y ilegal na pagbebenta at distribusyon ng mga sigarilyo sa lungsod.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *