Photo Courtesy: BUCOR
Ni Samuel Macmac
Sabay-sabay na naumpa sa iba’t ibang Operating Prisons and Penal Farms (OPPFs) ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isang libong bagong Corrections Officers.
Pinangunahan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang ang panunuma ng mga bagong opisyal na isinagawa nang sabay sa iba’t ibang penal farms at pasilidad ng Bureau.
Sa tala ng BuCor, 455 recruits ang mula sa National Headquarters (NHQ), New Bilibid Prison (NBP), at Correctional Institution for Women (CIW); 200 mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF); 92 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF); 90 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF); 83 mula sa Leyte Regional Prison (LRP); at 80 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF).
Matapos ang panunumpa, sasailalim ang mga recruits sa masusing pagsasanay upang matutunan ang disiplina, kaalaman, at kasanayang kailangan sa kanilang tungkulin. Kabilang dito ang safekeeping, security operations, reformation support, at makataong pamamahala sa mga Persons Derived of Liberty (PDL).
Binigyang-diin ni DG Catapang na ang dagdag na puwersa ay bahagi ng patuloy na operasyon at mapabuti ang pamamahala sa mga kulungan sa buong bansa.
Sa pagtatapos ng kanilang training, inaasahang magiging katuwang ang mga bagong Corrections Officers sa pagtupad ng mandato ng BuCor na magpapabago sa mga PDL sa ilalim ng kanilang kustodiya.