Photo courtesy: Wimbledon
Ni Albert Villamor Jr.
SPORT NEWS: Kilala sa larong tenni si Alexandra Maniego ‘Alex’ Eala. Siya ay isang Pilipino na nakarating sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa kanyang husay sa larong tennis. Kamakailan lamang, lumaro siya sa Wimbledon Championships. Nakamit niya ang ika- 102 na puwesto sa 2025 Women’s Tennis Association (WTA) world rankings, na ginawa siyang pinakamataas na Pilipina sa kasaysayan ng tennis.
Ilan sa kanyang mga panalo ay ang Birmingham Open (2026), Wimbledon (2026), Berlin Open (2026), at Miami Open (2025).
Ilan sa kanyang pagkatalo ay sa Wimbledon Championships (July 2026) kung saan natalo siya ni Jasmine Paolini sa iskor na 4-6, 6-4, 3-6; WTA 500 Berlin Open (June 2026); WTA 500 Queen’s Club (June 2026) kung saan natalo siya kay Iva Jovic; French Open (May/June 2026); at WTA 1000 Miami Open (March 2026); Bad Homburg Open (June 2026); at Indian Wells Open (March 2026).
Ipinanganak si Eala noong Mayo 23, 2005, sa Quezon City. Ang kanyang ina ay si Rosemarie “Rizza” Maniego-Eala na isang manlalangoy at ang 1985 Southeast Asian Games bronze medalist. Ang kanyang tiyuhin ay si Philippine Sports Commission chairperson Noli Eala, samantalang ang kanyang kuya ay si Miko Eala na isa ring manlalaro ng tennis. Ang kanyang ama ay si Mike Eala.
Malapit si Eala sa kanyang pamilya.
Kapag naglalaro, mas gusto ni Eala sa hard na surface.
Nagtapos siya sa Rafa Nadal Academy sa Manacor, Spain, noong 2023. Dito sa Pilipinas, nag-aral din siya sa Immaculate Conception Academy sa San Juan, at Colegio San Agustin sa Makati.
Buhay na raw ni Alex ang tennis. Nagsimula siyang maglaro sa batang edad na apat.
“Tennis has been in my life for as long as I can remember,” ayon kay Alex. “I started at four, and it’s always kind of been in my family. It just made me love the sport more. In my mind, I always knew that this is what I wanted to do.”
Lagi’t laging student-athlete si Alex simula nang magsimula siyang mag-aral sa Immaculate Conception Academy, pero lagi niyang ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya para mapagsabay ang pag-aaral at paglalaro.
“For me, it was all about compartmentalizing,” sabi ni Alex sa artikulo ng Globe. “When I was in class, I made sure my mind was fully on academics. When I stepped on court, I left school concerns at the gate, so I could give my training 100%. That mental switch helped me avoid burnout and stay present in whatever I was doing.”
Nagsasalita si Eala ng English, Filipino, at Spanish.
Sa loob ng tennis court, kilala si Eala bilang kalewete na may “two-handed backhand” at kilala siya sa kanyang agresibong baseline game, at mabigat na topspin forehand.
Mahilig siya sa ice cream, kanin, at milk tea.
(Salamat sa Preview, Rappler, Pep, Globe, at WTA sa tulong sa karagdagang impormasyon!)