Photo:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Magpapadala ng sulat si Board Member Ryan Maminta kay Senator Erwin Tulfo na maglalaman ng mga pangangailangan ng lalawigan ng Palawan sa paglaban nito sa human trafficking at ang pangangailangan ng mga migrant workers, kasama na rin ang mga nakitang kakulangan sa operasyon ng Department of Migrant Workers (DMW).
“We will inform him that this is happening. After ng thorough deliberation diyan kasi naka-refer pa iyan sa Committee, ipapadala natin kung ano iyong kailangan natin dito para sa mabisang paglaban sa trafficking at sa kapakanan ng mga migrant workers ng Palawan with respect sa mandate ng Department of Migrant Workers,” ayon kay Maminta sa panayam ng Midya noong Hunyo 7.
“Dapat epektibo iyong kanilang manggagawa [DMW] dito at nakakaresponde doon sa pangangailangan ng mga manggagawa migrante at hindi lang iyon, iyong pagresponde [r]oon sa problema ng human trafficking. Nangyari na. Nalusutan sila [DMW]. Hindi ba malaking bagay iyon para doon sa pagsukat ng kanilang epektibong paganap ng kanilang tungkulin, samantalang mayroon namang p’wedeng magawa bago pa mangyari iyon dahil may mga reports na maaring mangyari ito sa susunod na mga araw?,” pahayag ni Board Member Maminta.
“May Provincial Inter-Agency Council tayo against Trafficking pero nagkaroon ng malaking mandate dito ang DMW. So iyong pakikipag-ugnayan, iyong partnership na sinasabi nila kanina dapat nakapaimbulog doon sa Provincial Inter-agency Council Against Trafficking. Nagpirmahan ng Memorandum of Agreement nung nakaraan pero after one week or two weeks, nalusutan tayo at nakulong iyong 71 nating mga kababayan doon sa Malaysia na biktima ng illegal recruitment at biktima ng human trafficking,” ayon din kay Board Member Maminta.