October 2, 2026
1783774068644

Kuhang larawan mula sa posted video ni Mydz Gomez Socito

Ni Joana Pacquing

FLASH REPORT. Dahil sa lakas ng hangin na dala ng Habagat o Southwest monsoon na pinalalakas ng kasalukuyang pag-iral ng #BagyongInday, isang nakaparadang yate sa baybayin ng Barangay Corong-Corong sa bayan ng El Nido, Palawan, ang tumagilid at nakasagasa ng iba pang sasakyang pandagat sa lugar.

Sa Facebook post ni Mydz Gomez Sociti, ipananawagan nito sa may-ari ng yate ang nasabing insidente.

Aniya, “kung sinuman po ang nakakaalam sa may-ari ng yateng ito na maaaring ipagbigay-alam sa kinauukulan. May na-damage na [itong] mga bangka, na nasagasaan dito sa lugar”.

Author