Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
Naaresto ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) ang Provincial Top 7 Most Wanted Persosn na may kasong rape sa Barangay Danawan, Magsaysay, Palawan.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Rey”, 29-taong gulang, may asawa, at mangingisda mula Barangay Canipo, Magsaysay, na nahuli sa operasyon na isinagawa nitong Hulyo 16 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas sa Regional Trial Court Branch 47, Lungsod ng Puerto Princesa.
Pinamunuan ang operasyon ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PCPT Eric G. Dalisay, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng PalPPO.
Batay sa rekord, nahaharap ang suspek sa kasong may kaugnayan sa Rape through Sexual Intercourse sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, na binago ng Republic Act 8353 at 11648. Wala naman inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Magsaysay MPS ang akusado para sa kaukulang ligal na proseso. Samantala, pinuri naman ni Police Colonel Joel D. Casupanan, Provincial Director, ang mga operatiba at binigyang-diin na patuloy na paiigtingin ang operasyon laban sa wanted persons upang mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.
Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act.