October 2, 2026
FB_IMG_1784180341126

Photo courtesy : Anthony Baisa FB page

Ni FFerds Cuario

‎

‎Nagpakitang-gilas ang Palaweñong tennis player na si Brice Vincent Baisa matapos magtala ng runner-up finish sa USTA Boys 18s Tournament na ginanap mula Hulyo 11 hanggang 13.
‎
‎Sa knockout stage, ipinamalas ni Baisa ang matatag na laro nang kanyang talunin ang No. 4 seed sa quarterfinals sa iskor na 6-4, 5-7, 10-0.
‎
‎Sinundan niya ito ng isa pang malaking panalo sa semifinals kung saan kanyang pinabagsak ang No. 2 seed sa makipot na laban na 3-6, 6-1, 10-6, upang makausad sa championship match.
‎
‎Sa final laban, hinarap ni Baisa ang top seed ng tournament. Bagaman natalo siya, dikit ang laban sa score na 4-6, 6-7.
‎
‎Ang magandang performance ni Baisa sa prestihiyosong USTA circuit ay itinuturing na malaking hakbang sa kanyang pag-unlad bilang junior tennis player. Ang kanyang mga tagumpay laban sa mataas na ranggo na kalaban ay nagpapakita ng kanyang kakayahang makipagsabayan sa pinakamahuhusay na young players sa Estados Unidos.
‎
‎Patuloy na nagbibigay ng karangalan si Baisa sa Palawan at sa buong Pilipinas sa kanyang pag-angat sa international tennis scene.
‎

Author