Photo courtesy Gero Villarez
Ni Ferds Cuario
Barakalan sa Gabi, isang night market na naglalayong magbigay ng dagdag na oportunidad sa mga lokal na negosyante, micro, small and medium enterprises (MSMEs), at mga producer ng produktong gawa sa Puerto Princesa.
Isinagawa ang grand opening alas-6:00 ng gabi sa Baywalk Area, Biyernes Hulyo 17 na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan, mga kasapi ng pribadong sektor, at iba pang stakeholders na sumusuporta sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.
Tampok sa Barakalan sa Gabi ang iba’t ibang lokal na pagkain, sariwang ani, mga produktong likha ng mga lokal na negosyante, at iba pang maipagmamalaking produkto ng lungsod.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Puerto Princesa Chamber of Commerce and Industry Inc. (PPCCI) sa pakikipagtulungan ng MSMED Council, Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, Department of Trade and Industry (DTI), Western Philippines University (WPU), at PPC TODA.
Layunin ng programa na palakasin ang kabuhayan ng mga lokal na negosyante, hikayatin ang mamamayan na tangkilikin ang mga produktong sariling atin, at makatulong sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at Night Market ng Puerto Princesa.