Photo Courtesy: Palawan PIO
Ni Ferds Cuario
Mas maraming Palawenyo ang makatatanggap ng libreng serbisyong legal matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Palawan Chapter.
Pinangunahan nina Governor Amy Roa Alvarez at IBP Palawan Chapter President Atty. Patrick P. Tan ang ceremonial signing na ginanap noong Hulyo 20, 2026 sa Kapitolyo.
Layunin ng kasunduan na mapalawak ang access ng mga Palaweño sa legal na payo, tulong at tamang impormasyon, lalo na sa mga komunidad na may limitadong oportunidad sa mga serbisyong legal.
Naging saksi sa paglagda sina IBP Regional Governor for Western Visayas Atty. Susanne Lacson, Acting Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, Provincial Administrator Atty. Jefrie R. Sahagun, gayundin sina Atty. Gellian Grace B. Baaco, Atty. April Joy M. Rabang, Atty. Lara Mae O. Cacal, at mga kawani ng Provincial Legal Office.