Photo Courtesy: Mayor Lucilo Bayron
Ni Ferds Cuario
Papalapit na ang inaabangang Coronation Night ng Reina Filipinas 2026 na gaganapin sa Agosto 7, kung saan muling ipagmamalaki ng Palawan ang kinatawan nitong si Angelica Lopez sa isa sa pinakabagong national pageants sa bansa.
Si Lopez na may koronang Miss Puerto Princesa 2018 at Binibining Pilipinas International 2023, ay patuloy na tumatanggap ng malawak na suporta mula sa mga Palaweño habang naghahanda siya para sa bagong kompetisyon.
Walang sinayang na sandali at naging abala si Lopez sa kanyang pagbisita sa Puerto Princesa City kung saan nabigyan sya ng pagkakataon na maging bahagi ng Flag Ceremony at mag courtesy call with Mayor Lucilo Bayron, bumisita sa Palawan Provincial Capitol, media engagements, Motorcade, meet-and-greet activities at press conference. Naging pagkakataon din ito upang personal niyang pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanya.
Marami ang umaasa na muling makapagtatala ng panibagong tagumpay ang isang Palaweña sa larangan ng pageantry.