Photo:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Gagamitin ang mga itinakdang 131 na mga pangalan sa mga features ng Kalayaan Island Group (KIG) sa mga dokumento, mapa, database records, executive orders, resolusyon, at iba pang transaksyong komunikasyon ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ayon ito sa Provincial Ordinance No. 3811, series of 2026 o ang “Adopting the Standard Set of Philippine names for the 131 features of the Kalayaan Island Group located in the municipality of Kalayaan, Province of Palawan, and the West Philippine Sea, aligning with the Executive Order No. 111”.
Inakdaan ito ni Board Member Ryan Maminta ang naturang ordinansa, samantalang sinuportahan ito bilang co-authors ng mga miyembro ng Junta Probinsyal.
Hinihikayat na ng nasabing ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Kalayaan na gamitin ang parehong opisyal na nomenclature sa kanilang mga lokal na dokumento.
Sa pagpapatupad ng Pronvincial Ordinance No. 3811, makikipag-ugnayan ang ang Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Education (DepEd)–Palawan para maisama ang mga nasabing pangalan sa mga aralin sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral.
Ang Executive Order No. 111 ay pinamagatang “Adopting the standard set of Philippine names for the 131 features of the Kalayaan Island Group located in the municipality of Kalayaan, province of Palawan and the West Philippines Sea”.
Ang Pronvincial Ordinance No. 3811 ay nakabatay sa Republic Act No. 12064 o Philippine Maritime Zones Act, Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991 at National Maritime Council na nagtatakda ng opisyal na Philippine nomenclature para sa mga maritime features sa Kalayaan Island Group.