Photo Courtesy: 203rs Infantry Brigade, Philippine Army
Ni Samuel Macmac
Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng mga biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act.
Nasakote sa operasyon ang isang lider ng New People’s Army (NPA) at isang Filipino-American sa Laguna nitong Hulyo 30, na matagal nang naiulat na nakasama ng mga rebelde sa Mindoro.
Sa sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Army, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration, kinilala ang pangunahing target na si Binay Serrano alyas “Samay”, medical at logistics officer ng Platoon GMT, Southern Regional Military Area 4D, na may kasong Murder. Kasama niyang naaresto si Cristina Pasion, isang Fil-am na ayon sa mga awtoridad ay may matagal nang nakasama ng mga rebelde sa Occidental Mindoro.
Nakasama umano ni Pasion ang kapwa Fil-Am na si Chantal Anicoche at mga kasapi ng NPA sa Mindoro noong Disyembre 2025. Sa pamamagitan isang notebook na narekober mula sa encounter site sa San Jose, Occidental Mindoro, pinaniniwalaang siya ang nagsulat ng ilang tala hinggil sa aktibidad ng grupo.
Matapos ang mga sagupaan noong Marso 24 at 29, 2026, nanatili umano siya sa piling ng mga rebelde.
Sa kasalukuyan, nai-turnover si Pasion sa Bureau of Immigration para sa kakukulang aksyon sa kanyang paglabag sa immigration law.